Bawat tao ay may pagsubok na kinakaharap . Ito ang mga bagay
nakakapagpapatatag at pumupunan sa kanilang pagkatao . Araw -araw gumigising ng
alas kuwatro ng madalingaaraw upang magayos , magpabango, kumain at pumasok .Sumasakay
ako ng bus ,isang anyo ng transportasyon . Hindi makakaila na sa araw araw na ito ay wala akong pagod na nadarama .
Minsan pa nga'y tayuan o di kaya siksikan na parang sardinas . Sisingilin ng ng
bayad mag aabot ng ticket ayan ang ginagawa ng konduktor , siya ang
nangangasiwa sa perahan sa loob ng bus . ''Saan kayo , saan galing '' ang mga
pudpod na kataga ng mga konduktor . '' Sa Libertad po , galing moonwalk '' ,
aniya ko . Diresto naman ako sa pinakamamahal kong Pasay City West
Highschool kung saan ko ipinapatuloy ang
aking senior highschool kahit na araw araw akong pagod at gabi na umuwi . Kahit
na may mga panahong nahuhuli ako sa klase .
Pag kagaling sa eskwela deretso sa aking Inay upang sabay kaming makauwi ng maayos at
maganda . Sasakay ng jeep pa-Divisoria , bababa ng Buendia . Magaantay ng bus
na pa- Annex . Ito ang araw araw na daloy ng aking buhay . Nais kong ipabatid
sa inyo na hindi hadlang ang mga pangyayaring hindi kaaya aya kung ikaw ay
nagsusumikap . Magsilbi itong gabay sa atin upang makamit ang ating mithiin .
- Donita Sotolombo
Ang siyang nagpapatakbo ng makina , ang Gwapong Driver . |
Kuhang larawan sa loob ng bus |
Kasama araw araw ang pinaka maganda at mapagmahal na ina sa balat ng lupa .
Isang napakamakulay na kuha mula sa likod ng bus |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento