Martes, Oktubre 11, 2016

Ang aking karanasan sa pagpunta sa Manila International Book Fair.

 Nakapunta ka na ba sa isang book fair? Ano nga ba ang makikita sa isang book fair?

 Ika -17 ng Setyembre nang pumunta kami ng kaibigan kong si Sandra sa isang grand book fair.Dito ipinakita ang ibat-ibang libro na gawa ng mga batikang awtor mula sa ibat-ibang sulok ng mundo,dumagsa dito ang maraming mangbabasa ng libro o "book lovers" kung tawagin.Pagpasok mo sa bungad palang ng SMX convention center kung saan ito ginanap ay makikita mo nang dinagsa talaga ng maraming tao ang book fair na ito,sa loob makikita ang sarinsaring mga libro,hindi ka mauubusan dito mapa ingles man o tagalog.Sa bawat balag ay may ibat-ibang dyanra,may pang relihiyon mayroong para sa mga bata,mayroon ding puro katatawanan at iba pa,hinding hindi ka mauubusan ng libro sa lugar na ito at karamihan pa ng mga tinitinda dito ay may diskwento.

 Sa ilang oras naming paglakbay at pagtingin ng mga libro napansin namin na nagkakagulo at nagtitipon tipon ang mga tao sa balag ng National Book Store kaya naman naisip namin na makiusyoso. Laking gulat namin nang madatnan namin sa isang entablado si Juan Miguel Savero,Aba! Kung sineswerte ka nga naman oh! Sakto ang aming pagusyoso dahil paakyat palang ng entablado si Juan Miguel,nang magpakilala na sa micropono at banggitin ang kaniyang pangalan ay nagtakbuhan ang mga tao upang makita si Juan,abay napaka sikat nga naman talaga nitong si Juan Miguel Savero dahil punong puno na ng tao ang balag ng National Book Store dahil sa kanya.

 Nang matapos ang spoken poetry ni Juan ay napagpasyahan namin ng kasama na umuwi na dahil gabi na rin,tuwang tuwa ang aking kasama dahil talaga namang idolo niya itong si Juan,ito ang unang beses namin siyang nakita sa personal,sulit na sulit ang pagpunta namin sa book fair na ito dahil sa 15 pesos na ticket nakabili na kami ng libro sa murang halaga nakita pa namin ang aming idolo na si Juan Miguel sa personal.
 - Grazeus Santiago

1 komento:

  1. 15 pesos?! Ang mura sa amin kasi pumunta kami sa book fair sa World Trade Center, libre ata ticket non....

    TumugonBurahin