Miyerkules, Oktubre 12, 2016

Ang buhay ko bilang computer user

 Ang pagcocomputer ay isang abilidad para sakin masaya ako sa ginagawa ko dahil nahahasa ang kakayahan ko sa pag gamit nito,ang paggamit ng computer ay mahirap para sa marami dahil kung tutuusin mahirap talaga itong gamitin,hindi lang naman sa paglalaro ginagamit ang computer kundi sa pag kuha ng mahahalagang impormasyon at data. Ang paggamit nito ay dapat naayon o tama dahil sa konting pagkakamali mo pedeng mabura o mawala lahat ng pinaghirapan mo sa makinang ito o mas malala pa ay masira ang component neto gaya ng Hard Drive, RAM (random access memory),Power Supply at iba pang mahahalagang component ng computer para gumana ng maayos ang computer. Ang mga kaalaman ko sa pag gamit nito ay ginagawa kong libangan sa pag aayos ng ibang teknolohiya o mga Smart phones o Andriod phones. Ginagamit din ito sa pagpasa ng mga importanteng papeles o mga dokumento. Pinapabilis nito ang pagsulat at pakikipag o komunikasyon.  Ang computer sa panahon ngayon ay mahalaga dahil dito na kinukuha ng mga kabataan ang mga kailangang impormasyon,sa pamamagitan ng browser at internet ay makukuha mo na ang mga impormasyon na kinakailangan mo. Ako ay nasisiyahan sa pag gamit nito at ito ay nakakatulong sa aking pagaaral. Maituturi ko ang pagamit ng compyuter ay aking spesyal na abilidad.
  -Jose Christian Plaza

Ang Aking Pakikipagsapalaran sa Araw-Araw na  Aking Buhay Bilang Estudyante




Bawat tao ay may pagsubok na kinakaharap . Ito ang mga bagay nakakapagpapatatag at pumupunan sa kanilang pagkatao . Araw -araw gumigising ng alas kuwatro ng madalingaaraw upang magayos , magpabango, kumain at pumasok .Sumasakay ako ng bus ,isang anyo ng transportasyon  . Hindi makakaila na sa araw araw  na ito ay wala akong pagod na nadarama . Minsan pa nga'y tayuan o di kaya siksikan na parang sardinas . Sisingilin ng ng bayad mag aabot ng ticket ayan ang ginagawa ng konduktor , siya ang nangangasiwa sa perahan sa loob ng bus . ''Saan kayo , saan galing '' ang mga pudpod na kataga ng mga konduktor . '' Sa Libertad po , galing moonwalk '' , aniya ko . Diresto naman ako sa pinakamamahal kong Pasay City West Highschool  kung saan ko ipinapatuloy ang aking senior highschool kahit na araw araw akong pagod at gabi na umuwi . Kahit na may mga panahong nahuhuli ako sa klase .

Pag kagaling sa eskwela deretso sa aking Inay  upang sabay kaming makauwi ng maayos at maganda . Sasakay ng jeep pa-Divisoria , bababa ng Buendia . Magaantay ng bus na pa- Annex . Ito ang araw araw na daloy ng aking buhay . Nais kong ipabatid sa inyo na hindi hadlang ang mga pangyayaring hindi kaaya aya kung ikaw ay nagsusumikap . Magsilbi itong gabay sa atin upang makamit ang ating mithiin  .

- Donita Sotolombo
Ang siyang nagpapatakbo ng makina , ang Gwapong Driver .
                                               
Kuhang larawan sa loob ng bus

Kasama araw araw ang pinaka maganda at mapagmahal na ina sa balat ng lupa .
Isang napakamakulay na kuha mula sa likod ng bus



Ang Aking Kinaaliwan na mga Manlalaro ng Volleyball

  Noong ika-dalawa ng Oktubre ay nanood ako ng beach volleyball sa MOA. Masaya ako dahil nakita ko ang aking mga hinahangaan sa larong volleyball kagaya na lamang ng nasa litrato na si Jaja Santiago siya ay aking hinahangaan dahil sya ay may taas na 6’5 at sya ang middle blocker ng eskwelahang National University. Sa nakaraang shakeys vleague collegiate conference ay si Jaja Santiago ang naturingang MVP at ang kanyang kupunan ang muling tinanghal na kampeon. Makikita rin sa litrato na kasama ko sina Isa Molde, Aiko Sweet Urdas at Doromal sila rin ay hinahangaan ko dahil sila ang isa sa mga tinuturing na scoring machine ng kanilang kupunan. Ang mga kasama ko sa litrato ay ilan sa mga hinahangaan ng mga kabataan sa larong volleyball dahil sila at may angking talento at angking lakas sa larangan ng volleyball. Sa paglalaro nila ng beach volleyball bilang manood masasabi kong Hindi madali ang kanilang pinagdadaanan dahil sa kabila ng matinding init at mahirap maglaro sa court na Hindi mo naman kinasanayan gaya na lamang ng dahil sila ay sanay sa indoor na volleyball ay naglaro sila sa buhangin na nasa gitna ng matinding init, kaya naman hinahangaan ko sila dahil kahit saan sila maglaro ay kayang kaya nila at nailalabas pa rin nila ang talento nila sa larong volleyball.
  -Rizalyn Cabuyadao

Lover ng Clover, May Clover Finger!

 Lover ng clover, may clover finger!
Finger and clover, may love affair. Ano man ang status mo sa buhay, single or "it's complicated" lover ng clover! Lahat sisimutin sarap ay uubusin lover ng clover, may clover finger!

 Ngayong araw (oktubre 12, 2016) , ay kumain ako ng clover chips. At masasabi kong masarap talaga ito. Masarap din itong i-share kung hindi ka madamot. Ngunit sa kabila ng sarap nito, maaari tayong makakuha ng sakit tulad ng hepa at uti. Ang clover ay naglalaman ng kung ano-anong sangkap. Sa loob ng mahigit dalawang buwan, ngayon na lang ako ulit kumain ng clover. Nakakamiss pala. Pinagbabawalan kasi ako ni papa kumain nito o kahit ano pang klase ng tsitsirya sa kadahilanang ako ay may uti. Ngunit dahil makulit ako, syempre kumain pa rin ako. Ngayon lang naman e.sulit ang 7 pesos mo sa clover dahil may free more chips ito at cheesier pa! At syempre, ang paborito kong flavor ay cheese. Ngunit sa kabila ng sayang naidudulot sa pagkain ko nito, kailangan ko na talagang ihinto ang pagkain nito dahil ayoko mapagalitan ni papa. Salamat!
 -Joyce Cifra

Ang Aking Karanasan sa Paglalaro ng Volleyball





Ito ay kuha noong Disyembre 2015 . Ako ay isang manlalaro ng volleyball sa aming paaralan sa Pasay City West High School. Ako ay isang libero ng aming kupunan at lubos akong nasasayahan kapag nagagawa ko ang dapat kong gawin sa abot ng aking makakaya dahil sa pag pupursige  nanalo ang aming kupunan laban sa ibat ibang mga paaralan sa lungsod ng Pasay at dahil sa aking pag pupursige ako ay  napangaralan bilang best libero ng palarong pang division sa Pasay taong 2015. Ako ay labis na natuwa dahil sa aking nakuhang parangal dahil hindi nasayang ang aming mga pinaghirapan dahil nakuha namin ang aming mithiin na magingkampeon sa larangan ng volleyball sa Pasay.                                                               
                                                                         - Angelica Abejuela

Martes, Oktubre 11, 2016

Lakbay kasama ni Ina patungo sa kanyang anak.

Ako'y natutuwa kapag nakakapagsabi ng tama .
Debosyon sa mahal na maria ang aking pakay
Upang ipaalam sa tao na ang kanyang anak ang daan tungo sa matiwasay na buhay .
Bagamat man may mga nagssabi kung bakit kami sumasamba sa mga rebulto ang aking masasagot batay sa aking isipan. Hindi kami sumasamba sa mga rebulto kundi nagppakita o nagpapaalala saamin ang rebulto kung anong ginawang maganda ng isang santo para aming pasalamatan at hindi namin sambahin ang rebulto ay aming larawan upang iparating sa Diyos ang aming mga pasasalamat at kahilingan.
Maraming salamat sa pag unawa.
 - Rodrigo Se

Ang aking karanasan sa pagpunta sa Manila International Book Fair.

 Nakapunta ka na ba sa isang book fair? Ano nga ba ang makikita sa isang book fair?

 Ika -17 ng Setyembre nang pumunta kami ng kaibigan kong si Sandra sa isang grand book fair.Dito ipinakita ang ibat-ibang libro na gawa ng mga batikang awtor mula sa ibat-ibang sulok ng mundo,dumagsa dito ang maraming mangbabasa ng libro o "book lovers" kung tawagin.Pagpasok mo sa bungad palang ng SMX convention center kung saan ito ginanap ay makikita mo nang dinagsa talaga ng maraming tao ang book fair na ito,sa loob makikita ang sarinsaring mga libro,hindi ka mauubusan dito mapa ingles man o tagalog.Sa bawat balag ay may ibat-ibang dyanra,may pang relihiyon mayroong para sa mga bata,mayroon ding puro katatawanan at iba pa,hinding hindi ka mauubusan ng libro sa lugar na ito at karamihan pa ng mga tinitinda dito ay may diskwento.

 Sa ilang oras naming paglakbay at pagtingin ng mga libro napansin namin na nagkakagulo at nagtitipon tipon ang mga tao sa balag ng National Book Store kaya naman naisip namin na makiusyoso. Laking gulat namin nang madatnan namin sa isang entablado si Juan Miguel Savero,Aba! Kung sineswerte ka nga naman oh! Sakto ang aming pagusyoso dahil paakyat palang ng entablado si Juan Miguel,nang magpakilala na sa micropono at banggitin ang kaniyang pangalan ay nagtakbuhan ang mga tao upang makita si Juan,abay napaka sikat nga naman talaga nitong si Juan Miguel Savero dahil punong puno na ng tao ang balag ng National Book Store dahil sa kanya.

 Nang matapos ang spoken poetry ni Juan ay napagpasyahan namin ng kasama na umuwi na dahil gabi na rin,tuwang tuwa ang aking kasama dahil talaga namang idolo niya itong si Juan,ito ang unang beses namin siyang nakita sa personal,sulit na sulit ang pagpunta namin sa book fair na ito dahil sa 15 pesos na ticket nakabili na kami ng libro sa murang halaga nakita pa namin ang aming idolo na si Juan Miguel sa personal.
 - Grazeus Santiago